IN PHOTOS: Julie Anne San Jose's leading men through the years

Unang ipinakita ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose ang husay sa pagkanta noong sumali sa reality talent show na 'Popstar Kids' noong 2005 sa edad na 12.
Nabigyan ng big break ang singer-actress nang kantahin ang "Aking Mundo," ang theme song ng hit fantasy series na 'Dyesebel,' na pinagbidahan nina Primetime King Dingdong Dantes at Primetime Queen Marian Rivera.
Bukod sa pagiging isang mahusay na mang-aawit, kilala na rin si Julie Anne bilang isang aktres. Una siyang napanood sa Afternoon series na 'Gaano Kadalas Ang Minsan' noong 2008.
Makalipas ang apat na taon, nakuha ni Julie Anne ang unang lead role nito bilang si Antoinette "Toyang" Escueta sa youth-oriented weekly show na 'Together Forever.'
Ilan pa sa seryeng pinagbidahan ng singer-actress ay ang 'Kahit Nasaan Ka Man,' 'Buena Familia,' 'Pinulot Ka Lang Sa Lupa,' 'My Guitar Princess,' at 'Heartful Cafe.'
Balikan ang ilan sa mga aktor na nakatambal ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa serye at pelikula rito:










