IN PHOTOS: Celebrity kids na back to face-to-face classes na

Halo-halo ang reaksyon ng celebrity parents sa muling pagbubukas ng mga eskwelahan ngayon.
Matapos kasi ang dalawang taong distance learning, paunti-unti nang bumabalik sa face-to-face classes ang mga mag-aaral.
Sepanx ang naramdaman ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos nang pumasok na sa eskwelahan ang kanilang anak na si Luna.
Sulat ni Juday sa kaniyang post sa Instagram, "First day of school for our little buny... first day for all of us after 2 1/2 years of online schooling... nakaka-spanx ng sobra!!"
"But... I'm happy and excited for all the kids to be able to attend classes with a bit of normalcy... thank you to all our hard working teachers, for doing everything to make this happen."
Bukod kay Luna, kilalanin pa ang iba't-ibang celebrity kids na magbabalik na sa face-to-face classes ngayong taon sa gallery na ito.







