Sinong international stars ang kamukha nina Solenn, Janine, Max, Mark, Manilyn, Rhian, Marian at Bossing Vic?
By BEA RODRIGUEZ
Natuwa ang ilang Kapuso stars sa kani-kanilang kamukhang international stars at hindi sila nagpahuli para magbigay ng kanilang saloobin sa Unang Hirit.
Ka look-alike daw ni Solenn Heussaff ang American actress and model na si Maggie Q. Aniya, “Kasi parang chinita kaming dalawa. Honored naman [kasi] maganda siya [at] cute siya tapos action star siya so gusto ko ‘yan.”
Kinilig naman daw si Janine Gutierrez nang sinabihan siya na magkahawig sila ng multi-awarded American actress na si Mila Kunis, “’Pag sinasabi, kinilig ako kasi matagal ko na siyang idol. I used to watch her pa sa That’s '70s Show at saka gusto ko talaga ang mga movies niya.”
Ang Fil-Am beauty na si Max Collins kamukha raw ng American superstar na si Angelina Jolie at singer-songwriter Lana Del Rey.
“Idols ko sila so nakakatuwa at siyempre parang hindi talaga ako makapaniwala. Siguro kasi dahil sa makeup [at] minsan magaling 'yung makeup artist ko,” ang naging pahayag ng mestiza beauty.
Madami naman ang nagsasabing kasing guwapo raw ni Bossing Vic Sotto ang Hollywood star na si George Clooney pero may ilang nagbanggit na younger version daw nito ang Kapuso actor na si Mark Herras.
“Feeling ko dahil sa lines ng noo. Hindi ko na rin kasi natatanggal so parang sanay na rin 'yung noo ko na laging may ganyan,” ani Mark sa pagkakahalintulad niya sa American actor.
Dagdag pa ng iba na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at ang Korean superstar na gumanap bilang Dae Jang Geum sa Jewel in the Palace na si Lee Young-Ae ay may magkatulad na katangian sa mukha.
Ang The Rich Man’s Daughter star na si Rhian Ramos ay ka-look-alike naman daw ng multi-awarded pop superstar na si Taylor Swift habang si Pepito Manaloto star Manilyn Reynes ay kamukha ng British singer-songwriter na si Kelly Osbourne.