Meet the cast of 'Goblin: The Lonely and Great God'

GMA Logo Goblin cast

Photo Inside Page


Photos

Goblin cast



Simula September 19, muling mapapanood sa GMA ang sikat na South Korean actor na si Gong Yoo na nakilala sa kaniyang zombie film na 'Train To Busan.' Nagkaroon din siya ng cameo appearance sa global smash hit series na 'Squid Game'

Unang lumabas sa GMA si Gong Yoo sa rom-com series na 'Coffee Prince' na ipinalabas sa network noong 2008. Nakapareha niya rito si Yoon Eun-hye na sumikat sa kaniyang seryeng 'Princess Hours.' Nakatanggap ng high ratings ang 'Coffee Prince' nang ipalabas ito sa GMA at ginawan pa ng adaptation ng network na pinagbidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica noong 2012.

Ngayong 2022, muling mapapanood si Gong Yoo sa Kapuso channel sa pamamagitan ng isa sa mga pinag-usapang serye niya na 'Goblin: The Lonely and Great God.'

Dito ay gumanap ang box-office South Korean superstar bilang isang magaling na mandirigma na muling nabuhay bilang isang imortal na tagapagligtas o goblin.

Alamin kung sinu-sino ang mga kasama ni Gong Yoo sa 'Goblin: The Lonely and Great God' sa gallery na ito:


Gong Yoo
Kim Shin/Goblin
Kim Go-eun
Ella/Goblin's Bride
Yook Sung-jae 
Patrick
Yoo In-na
Sunny
Lee Dong-wook
The Grim Reaper

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage