Walang pag-aalinlangan at diretsahang sinagot ni The Rich Man's Daughter star Mike Tan ang tanong ng GMANetwork.com kung may man crush ba siya sa showbiz.
"The Rock. Si Dwayne Johnson, sa totoo lang. Kung local, Richard Gomez," was his immediate reply.
Paliwanag niya, "Kasi noong nakita ko si Richard Gomez sa personal, tinanong ko 'yung sexuality ko talaga. Totoo, pinagtatawanan nga naming magkakaibigan 'yun."
"Bago pa lang ako noon, during StarStruck. Pinakilala siya sa akin, dumaan siya sa harapan ko. [Sinundan ko siya ng tingin], sabi ko talaga, 'Bading yata ako.' Parang first time nangyari sa akin. Pero ang ganda kasi ng mata ni Richard Gomez, ibang klase. Sabi ko, 'Ano'ng mayroon sa taong ito?'"
Eventually, naging co-star ni Mike si Goma sa Philippine adaptation ng Mari Mar, at doon niya lubos na nakilala ang aktor.
"Isa lang siyang loko-loko (laughs). Ganoon siya ka-cool. Ang cool niya kasi kapag kinakausap mo siya, parang magkakasing-edad lang kayo. Hindi niya pinapakitang mas mataas siya sa 'yo. Tapos nakatrabaho ko na rin siya sa isang sitcom ng GMA."
When asked if he ever told him about his feelings, ito lang ang kanyang nasabi.