What's Hot

Julie Anne San Jose, bagong 'Chika Minute' host?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Muling nag-trend ang 'Chika Minute' hosting stint ni Julie Anne sa '24 Oras' kagabi (June 2). Ano ang reaksyon ng Asia's Pop Sweetheart tungkol dito?
By BEA RODRIGUEZ
  
Matatandaang nag-trending worldwide ang Chika Minute hosting stint ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose. Noong nakaraang linggo ay tuluyan nang nagpaalam ang dating host na si Pia Guanio sa 24 Oras.
 
 

#chikaminute #24Oras

A photo posted by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

 
READ: Julie Anne San Jose, nag-trending ang hosting sa '24 Oras'
 
Kagabi ay muli siyang lumabas at nag-trending na naman sa naturang programa at marami ang nagtatanong kung ang singer-actress na nga ba ang pumalit sa dating posisyon ni Pia?
 
“Hindi ko po alam but sa ngayon po [ay] tina-try ko pa rin po at saka maganda pong experience ‘to kasi different field ‘tong papasukin ko. News ‘to eh, iba 'to sa pagkanta, sa pag-aarte. ‘Yung ginagawa ko sa Day Off, hosting lang naman ‘yun tapos real-time siya. Ito news talaga siya at formal ang dating,” ipinaliwanag ng aktres sa GMAnetwork.com.
 
Nasa linya raw ng kurso niya ang pag-newscasting at bukas siya maging regular host ng programa, “Masaya ako kasi nag-aaral ako at na-a-apply ko 'yung pinag-aralan ko since Mass Communication student ako.”
 
READ: Julie Anne San Jose, proud sa nakamit na Quill Award
 
“I’d love to! Magandang experience ‘tong pagbo-broadcast ka ng mga balita, 'di ba? At saka alam mo 'yun, parang legit kasi,” dagdag ng Pepito Manaloto star.
 
Sa Agosto pa babalik ng eskwelahan si Julie at isang taon na lang daw bago siya maka-graduate.
 
Bahagi ng aktres, “Last semester, full load po ako [at] nakaya naman po. Siyempre dapat mataas pa rin po 'yung grades kasi nag-Dean’s List ako so sabi ko masarap sa feeling na mabalita mo sa magulang mo na ako okay ako sa school. Time management [lang talaga].”
 
Hindi raw siya nahihirapan kahit pinagsasabay niya ang lahat, “For me, as long as you love what you’re doing and as long as you’re passionate about your craft, hinding-hindi ka mapapagod.”
 
Hindi niya na raw iniisip na mapapagod ang kanyang katawan dahil masaya siya sa trabaho niya.