Pinoy celebrities and personalities we lost in 2022

Ngayong 2022, nagdalamhati ang entertainment industry dahil sa pagpanaw ng ilan sa mga haligi ng Philippine showbiz, na gumawa ng pangalan dahil sa kanilang talento at sining.
Kabilang na riyan ang award-winning actress, ang tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, na nag-iwan ng marka sa pinilakang tabing dahil sa mahigit isang daang pelikulang nagawa niya.
Ikinagulat naman ng marami ang biglaang pagkawala ng La Primera Contravida na si Cherie Gil, na nakilala sa kanyang iconic performance sa 1985 classic film na 'Bituing Walang Ningning' na nananatiling popular magpahanggang ngayon. Huli siyang napanood sa GMA Telebabad series na 'The Legal Wives' noong 2021.
Bukod kina Susan at Cherie, alalahanin ang iba pang personalidad na binawian ng buhay ngayong taon sa gallery na ito.
























