IN PHOTOS: GMA Network 2022 Christmas Station ID 'Love is Us this Christmas'

Sa wakas, napanood na ng mga Kapuso ang inaabangang 2022 Christmas Station ID na pinamagatang "Love is Us this Christmas" ngayong Linggo, November 6, sa Sunday variety show ng GMA Network na 'All-Out Sundays.'
Sa pamamagitan ng "Love is Us this Christmas," ipinaalala ng GMA Network ang tunay na kahulugan ng salitang LOVE, lalo na ngayong magpa-Pasko.
Inilabas na lyric video ng "Love is Us this Christmas" noong October 23 kung saan pinuri ito ng mga manonood dahil sa ganda ng kanta at inspirasyon ng mensahe nito.
Silipin ang ilang mga artista at personalidad na naging bahagi ng Christmas station ID ngayong taon sa gallery na ito.

















































