Sa wakas, napanood na ng mga Kapuso ang inaabangang 2022 Christmas Station ID na pinamagatang "Love is Us this Christmas" ngayong Linggo, November 6, sa Sunday variety show ng GMA Network na 'All-Out Sundays.'
Sa pamamagitan ng "Love is Us this Christmas," ipinaalala ng GMA Network ang tunay na kahulugan ng salitang LOVE, lalo na ngayong magpa-Pasko.
Inilabas na lyric video ng "Love is Us this Christmas" noong October 23 kung saan pinuri ito ng mga manonood dahil sa ganda ng kanta at inspirasyon ng mensahe nito.
Silipin ang ilang mga artista at personalidad na naging bahagi ng Christmas station ID ngayong taon sa gallery na ito.
Nakiisa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa taunang Christmas Station ID ng GMA Network.
Bahagi rin ng "Love is Us this Christmas" si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Kung pag-uusapan lang din naman ang love tuwing Pasko, wala nang mas bagay kung hindi sina Marian at Dingdong!
Nakisaya rin si Asia's Multimedia Star at 'Start-Up PH' lead star Alden Richards sa "Love is Us this Christmas" kung saan siya ang naglagay ng bituin sa itaas ng Christmas tree.
Very blooming si 'Start-Up PH' lead actress Bea Alonzo sa kanyang ikalawang Christmas Station ID sa GMA.
Sinigurado ni international fashion and style icon Heart Evangelista na maisisingit niya sa kanyang busy schedule ang "Love is Us this Christmas."
Kabilang din sa "Love is Us this Christmas" ang pillars ng GMA News sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho.
Napanood rin sa "Love is Us this Christmas" si GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco.
Taimtim na nagdasal si Arnold Clavio sa "Love is Us this Christmas."
Hindi rin nagpahuli si '24 Oras' anchor Vicky Morales.
Pinatunayan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang tunay na kahuluguhan ng pagmamahalan.
Bahagi rin ng 2022 Christmas Station ID sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
"Love is Us this Christmas" ang pinatunayan nina Khalil, Gabbi, Mavy, at Kyline.
Nakipag-selfie naman sina Shayne Sava at Abdul Raman sa ilang masuwerteng Kapuso fans!
Nagkaroon din ng bonding kasama ang isang fan sina Jamir Zabarte at Zonia Mejia.
Kilig naman ang hatid nina Allen Ansay at Sofia Pablo na mas kilala bilang Team Jolly.
Isang masuwerteng fan rin ang nakasama ni Althea Ablan sa 'Love is Us this Christmas.'
Selfie muna with the loyal Kapuso viewers ang Sparkle Sweethearts kasama si Althea Ablan.
Ngayong Pasko, bukod sa pagmamahalan, importante rin ang tawanan kung saan nangunguna si Michael V.
Kung nandiyan si Pitoy, hindi mawawala si Elsa na ginagampanan ng nag-iisang Manilyn Reynes.
Nakipagkulitan rin ang mainstays ng 'Bubble Gang' na sina Paolo Contis at Sef Cadayona.
All-smiles naman ang naggagandahang sina Bianca Umali at Rhian Ramos sa "Love is Us this Christmas."
Naka-bonding rin nina Bianca at Rhian ang ilang Kapuso fans kasama sina Miss World 2013 Megan Young at Rob Gomez.
Nakibahagi rin sa "Love is Us this Christmas" ang nagpapasaya sa ating mga araw buong taon na sina Betong, Herlene Budol, Rufa Mae, Boobay, at Tekla.
Bukod sa pagpapatawa, kaisa rin sa mensahe ng pagmamahalan sina Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Betong, Boobay, Tekla, Rufa Mae, Analyn Barro, Yasser Marta, Herlene Budol, at Mikoy Morales.
"Love is Us this Christmas" din ang mensahe ng Sparkle actors na sina Rodjun Cruz, Benjamin Alves, Kim de Leon, Will Ashley, Royce Cabrera, Jak Roberto, John Vic De Guzman, Jeric Gonzales, Kimson Tan, at Pancho Magno.
Hindi rin nagpahuli sa pagpapadala ng mensahe na magmahalan ngayong Pasko ang Sparkle actresses na sina Michelle Dee, Arra San Agustin, Liezel Lopez, Mikee Quintos, Iya Villania, Max Collins, Hannah Precillas, at Cassy Legaspi.
Blooming si Sanya Lopez sa "Love is Us this Christmas."
Lumahok din sa "Love is Us this Christmas" si 'Start-Up PH' actress Yasmien Kurdi.
Ready na for Christmas si Andrea Torres. Ano kaya ang kanyang plano ngayong Pasko?
Maligayang Pasko mula kay Jasmine Curtis-Smith!
Isang malaking ngiti ang hatid ni Shaira Diaz.
Nakiisa si Thea Tolentino sa mensahe ng kanta na "Love is Us this Christmas."
Taimtim naman na nagdasal si Elle Villanueva. Ano kaya ang kanyang ipinagdasal?
Hindi rin pinalampas ni Rayver Cruz na maging bahagi ng "Love is Us this Christmas."
Seryoso naman si Derrick sa shoot ng "Love is Us this Christmas."
Bahagi rin ng "Love is Us this Christmas" si Ken Chan.
Pinatunayan naman ng mga bida ng 'Voltes V:Legacy' na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, Raphael Landicho, at Martin Del Rosario ang kahulugan ng kantang "Love is Us this Christmas."
Kahit sa "Love is Us this Christmas," good vibes pa rin ang dala ng 'Running Man PH' runners na sina Kokoy de Santos, Angel Guardian, Ruru Madrid, Mikael Daez, Lexi Gonzales, at Buboy Villar.
Sama-sama rin ang mga umawit ng "Love is Us this Christmas" na sina [clockwise from upper left] Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, Mark Bautista, Anthony Rosaldo, Vilmark Viray, Mariane Osabel, Zephanie, Jessica Villarubin, Thea Astley, at mga miyembro ng XOXO na sina Dani at Lyra.
All-smiles rin ang mga bida ng upcoming GMA Afternoon Prime series na 'AraBella' na sina Faye Lorenzo, Alfred Vargas, Camille Prats, Wendell Ramos, at Klea Pineda.
Pagkatapos ng 'Unang Hirit,' agad dumiretso sa shoot ang hosts nito na sina Lyn Ching-Pascual, Mariz Umali, Susan Enriquez, Suzi Abrera, at Atty. Gaby Concepcion.
Nakisaya rin sa "Love is Us this Christmas" ang GMA News and Public Affairs hosts na sina Kara David at Emil Sumangil.
Lumahok din sa Christmas station ID si Pia Arcangel.
Handa na si Maki Pulido na magbigay ng saya at pag-asa ngayong Pasko.
Ready na for Christmas ang nag-iisang Atom Araullo!
Maligayang Pasko mula kay Ivan Mayrina!
Very energetic naman ang radio DJs ng DZBB at Barangay LS sa kanilang pagsasayaw.
"Love is Us this Christmas" din ang mensahe ng Sparkada members na sina Jeff Moses, Tanya Ramos, Vanessa Peña, Caitlyn Stave, Vince Maristela, Saviour Ramos, at Larkin Castor.
Hindi rin nagpahuli sa pagsayaw sina Roxie Smith, Kim Perez, Cheska Fausto, Anjay Anson, Kirsten Gonzales, Michael Sager, Lauren King, at Sean Lucas.