IN PHOTOS: Kapuso stars bring joy to fans at the 'Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat'

Punong-puno ng saya ang Linggo ng Kapuso fans dahil nakasama nila ang iba't ibang Sparkle artists sa ginanap na “Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat” sa SM Skydome nitong November 20.
Bukod sa exciting production numbers ng mahuhusay na Kapuso stars para sa kanilang mga taga-suporta, mayroon din ilang masuwerteng fans na nanalo sa raffle draws at nakapag-uwi ng papremyo.
Present sa nasabing event sina Bianca Umali, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Andrea Torres, Miguel Tanfelix, Ken Chan, Khalil Ramos, Rabiya Mateo, Ysabel Ortega, Jeric Gonzales, Sofia Pablo, Allen Ansay, Zephanie, Arra San Agustin, Lexi Gonzales, Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Althea Ablan, Elijah Alejo, Lianne Valentin, Yasser Marta, Kim De Leon, at marami pang iba.
Ang malaking fan gathering event na ito ay paraan ng Sparkle para magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila.
Silipin ang mga naging kaganapan sa “Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat” sa gallery na ito.
























