TINGNAN: Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, naghahanda na para sa 'JulieVerse' concert

Full force na ang paghahanda nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, o mas kilala bilang “JulieVer" sa kanilang fans at shippers, para sa unang concert nilang magkasama ngayong Sabado.
Sa panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Asia's Limitless Star na bagamat kinakabahan, excited na sila sa nalalapit na 'JulieVerse' concert.
“Excited rin kami kasi makikita namin 'yung mga fans namin, mga supporters namin. We've been really working really hard for this concert since it's our first together," saad pa ni Julie Anne.
Makakasama rin ng JulieVer ang kanilang in real-life good friends na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa concert.
Ayon kay Julie Anne ay “masayang katrabaho, very professional, at fun to work with” ang dalawa.
Gaganapin ang 'JulieVerse' sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City ngayong November 26.
Para sa tickets, maaaring bisitahin ang www.gmanetwork.com/synergy at website ng TicketWorld sa www.ticketworld.com.ph.
Silipin ang paghahanda nila Julie Anne at Rayver para sa kanilang concert sa gallery na ito:









