Article Inside Page
Showbiz News
Ang 'Birth of a Beauty' ang comeback project ni Han Ye Seul.
By MARAH RUIZ

Dahil sa kanyang maliit na mukha at bilugang mga mata, naging paborito para sa mga TV commercials at print ads si Han Ye Seul.
Nagsimula ang kanyang acting career sa isang sitcom. Sinimento niya ang kanyang pagiging komedyana sa pagbibida sa seryeng Fantasy Couple at sa pelikulang Miss Gold Digger. Humakot pa siya ng ilang mga awards para rito.
Ngunit gustong patunayan ni Han Ye Seul na isa siyang versatile actress. Kaya naman bumida rin siya sa Tazza at Will It Snow for Christmas? na parehong heavy drama.
Nakuha rin ni Han Ye Seul ang lead role sa seryeng Spy Myung-wol. Ngunit naging kontrobersiyal ito dahil sa balitang hindi siya sumipot sa taping dahil lumipad na pala siya patungong Los Angeles. Bumalik naman siya matapos ang ilang araw at humingi ng tawad, ngunit umani pa rin siya ng maramig batikos mula sa mga TV industry professionals at mga manonood.
Dahil sa kontrobersiya, tatlong taong nagpahinga at lumayo muna sa showbiz ang Korean beauty.
Ang Birth of a Beauty ang kanyang comeback project. Dito, bumalik siya sa comedy na siyang nagpasikat sa kanya.
Panoorin ang napakagandang si Han Ye Seul bilang Sarah sa
Birth of a Beauty. Magsisimula na sa Lunes, June 15, bago ang
My Mother's Secret, sa Heart of Asia, GMA!