IN PHOTOS: Full cast ng 'The Write One,' ipinakilala na

Opisyal nang ipinakilala ang buong cast ng upcoming romance drama with a touch of fantasy na 'The Write One.'
Ito ang unang joint project ng real life Kapuso couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Ito rin ang unang series na bunga ng bagong pirmang partnership deal ng GMA Network at Viu Philippines.
Kuwento ito ng isang television writer na hindi satisfied sa kanyang buhay. Mabibigyan siya ng pagkakataon na sumulat ng bagong bersiyon ng kanyang life story gamit ang isang misteryosong typewriter. Laking gulat niya nang magkatotoo ang mga isinulat niya!
Doble ang kilig na hatid ng 'The Write One' dahil isa pang real life couple ang itatampok dito. Una nang ipinakilala sina Mikee Quintos at Paul Salas bilang bahagi ng serye. Sasamahan pa sila ng pagbabalik-tambalan nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.
Bukod diyan, ilan pang mga beterano at up-and-coming actors ang kukumpleto sa serye.
Kilalanin ang star-studded cast ng upcoming romance drama na 'The Write One' dito:


















