Ano ang kahihinatnan nina Russell at Diane? Tutukan mula Lunes hanggang Biyernes simula bukas sa 'King of Ambition!'
By AL KENDRICK NOGUERA
Mga Kapuso, hindi na namin kayo bibitinin dahil simula bukas ay araw-araw na ninyong mapapanood ang pinakaaabangang Korean drama sa gabi na King of Ambition!
Simula June 19, masasaksihan na ninyo ang walang atrasang labanan nina Russell at Diane mula Lunes hanggang Biyernes. Sino kaya ang magwawagi at kailan matitigil ang kanilang away?
Alamin ang sagot sa mga tanong na 'yan sa huling dalawang linggo ng King of Ambition, gabi-gabi pagkatapos The Rich Man's Daughter sa GMA Heart of Asia.