Viral beauty queen Janina San Miguel, kumusta na kaya?

GMA Logo janina san miguel then and now

Photo Inside Page


Photos

janina san miguel then and now



Ginulat ni Binibining Pilipinas World 2008 Janina San Miguel ang marami dahil sa pagbabalik niya sa beauty pageant scene matapos ang 15 taon.

Sumabak si Janina sa second preliminary screening ng Mrs. Face of Tourism 2023 at kapansin-pansin ang kanyang improvement sa pagsagot sa mga tanong ng panelista.

Matatandaang nag-viral si Janina sa Q&A portion ng Bb. Pilipinas 2008, kung saan hindi niya nailahad nang maayos ang sagot niya sa tanong ng judge noong si Vivienne Tan, anak ng business tycoon na si Lucio Tan, tungkol sa kung ano ang role ng kanyang pamilya sa pagsali niya sa Bb. Pilipinas.

Hinangaan naman si Janina ng maraming netizens dahil sa kanyang confidence sa Q&A portion ng Mrs. Face of Tourism 2023 kung saan sinagot niya ang tanong na may kinalaman sa civil status at relevance nito. Dito ay nagbigay siya ng reperensya sa winning response ng Fil-Am na si R'Bonney Nola Gabriel sa Miss Universe 2022.

Ibinida rin ni Janina ang kanyang "courage, perseverance, and patience" bilang paglalarawan sa kanyang sarili.

Tingnan ang buhay ngayon ni Janina San Miguel sa gallery na ito:


Janina San Miguel
Bb. Pilipinas 2008
Viral
Resignation
Normal life
Marriage
Weight gain
The dark side of pageantry
Work
Mrs. Face of Tourism

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ