#Versatility: The notable roles of Snooky Serna in GMA teleseryes

Isa si Maria Milagros Sumayao Serna, o mas kilala bilang Snooky Serna, sa mga dekalibre at batikang aktres ng kanyang henerasyon.
Nakilala siya sa pagiging child star noong dekada '70s at hanggang ngayon ay nananatili pa ring nagniningning ang kanyang karera sa industriya ng showbiz. Noong 2019, ipinagdiwang ni Snooky ang kanyang ika-50 na anibersaryo sa showbiz.
Sa loob ng mahigit 50 na taon niya bilang artista, naging bahagi ng iba't ibang Kapuso series si Snooky at maraming manonood ang humahanga sa pag-arte ng beteranang aktres, mapabida man o kontrabida.
Kasalukuyang mapapanood si Snooky sa modern version ng coming-of-age series na 'Underage,' kung saan gumaganap siya bilang Velda Gatchalian.
Matatandaan na isa sa original cast si Snooky ng '80s hit film na 'Underage' kasama sina seasoned stars Dina Bonnevie at Maricel Soriano.
Kilalanin ang iba't ibang karakter na binigyang buhay ni Snooky Serna sa GMA na tumatak sa mga manonood sa gallery na ito.














