'The Way You Look At Me' music video nina Barbie Forteza at David Licauco, pinag-usapan at trending online!

Inilabas na ang official music video ng Ben&Ben para sa cover nila ng hit song na "The Way You Look At Me" na pinagbidahan ng hottest Kapuso loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco.
Walong oras mula nang mai-post ng Universal Records ang naturang music video ay agad itong umani ng mahigit 100,000 views sa YouTube.
Talagang namang maraming nag-abang sa nakakakilig at emotional na music video na ito nina Barbie at David, na nag-trend sa Twitter Philippines at kasalukuyang mayroong mahigit 73,400 tweets ang hashtag na "BarDaTWYLAMMV."
Nakasama rin nina Barbie at David sa music video si Sparkle actress Shuvee Etrata, na gumanap bilang ex girlfriend ng aktor, at ang original singer ng naturang kanta na si Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.
Narito ang iba't ibang reaksyon ng netizens sa "The Way You Look At Me" music video.












