Kapuso artists who played more than one role in a series

Matinding pagsasanay at pagme-memorize ng script ang ilan lamang sa ginagawang paghahanda ng mga artista para sa kanilang role.
Bilang mga propesyonal na aktor, pinaglalaanan nila ito ng oras partikular kapag bago sa kanila ang karakter na kanilang gagampanan.
Hindi ito biro para sa mga tagaganap pero paano pa kaya kung dalawa, o mas matindi, higit pa roon ang kailangan nilang gampanan sa loob lamang ng isang proyekto?
Halimbawa na riyan ang impressive portrayal ni Dennis Trillo sa hit primetime series na 'Maria Clara at Ibarra' kung saan binigyang-buhay niya ang tatlong karakter na sina Crisostomo Ibarra, Simoun, at Barry Torres. Samantala, hindi lang isa, kundi five roles naman ang ginampanan ni Kate Valdez sa afternoon series na 'Unica Hija.'
Dahil sa ipinamalas nilang versatility, pinatunayan nilang posible ito lalo pa kapag binigyan ng sapat na atensyon, at sinamahan ng dedikasyon at tamang attitude sa trabaho.
Kilalanin sa gallery na ito ang iba pang talented Kapuso artists na gumanap sa mahigit dalawang roles sa isang teleserye.


















