Highlights of Ebe Dancel's stage repeat for 'Sa Wakas: 20th Anniversary Celebration'

Punong-puno ng kasiyahan, buhay, at pagmamahal ang stage repeat ng alt-rock icon na si Ebe Dancel para sa ika-20 taong anibersaryo ng 'Sa Wakas,' ang iconic debut album ng Pinoy Rock band na Sugarfree.
Muli, isang hindi malilimutang pagsasama-sama ang inihandog ni Ebe sa kanyang mga tagahanga, na ginanap sa 123 Block, Mandala Park noong March 31.
Nakasama ng multi-awarded singer-songwriter sa selebrasyon ang dating band member na si Mitch Singson, ang rock band na Sandwich, ang string quartet na Manila String Machine, at ang stand-up comedian si Red Ollero.











