Anthony Rosaldo, masaya sa mainit na pagtanggap ng publiko sa 'Ang Huling El Bimbo'

"Para akong nasa alapaap."
Ganyan inilarawan ni Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo ang kanyang karera ngayong isa na siyang ganap na theater actor.
Ginagampanan ni Anthony ang karakter ni Young Hector sa Ang Huling El Bimbo, ang all-Filipino musical na mapapanood ngayon sa Newport Performing Arts Theatre.
"Alam niyo naman, 'di ba, from the start, nag-try lang ako na mag-audition, and I was really a fan of Ang Huling El Bimbo. Ngayong nakailang shows na kami, sobrang fulfilled ako kasi sobrang dami naming pinaghirapan together," pag-amin ni Anthony nang makausap ng GMA sa gala night ng Ang Huling El Bimbo kagabi, April 27.
"Finally, I can say, theater actor na ako."
Emosyonal rin si Sparkle GMA Artist Center Assistant Vice President for Talent Management Group Joy Marcelo matapos niyang mapanood si Anthony sa naturang musical.
"We're very proud of Anthony. Napanood namin and umiyak ako. Ang galing, galing niya. Ang galing, galing ng delivery niya," saad ni Ms. Joy.
Nanood rin ng gala night ng Ang Huling El Bimbo sina GMA Network First Vice President for Program Management Joey Abacan, at Sparkle senior talent managers Tracy Garcia at Jan Navarro.
BALIKAN ANG GALA NIGHT NG ANG HULING EL BIMBO RITO:











