What's Hot

Maraming bago sa Sunday Grande ng GMA!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 2:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Historic finds and young hobbyists shine at Minted MNL's 2025 year-end show
Signal No. 1 up over 16 areas as Wilma moves over the coastal waters of Samar
#WilmaPH accelerates slightly as it crosses Samar

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Linggo (July 12), tutok lang sa GMA mula 'Kapuso Movie Festival' hanggang sa premiere ng 'Alamat' na siguradong magpapasaya sa inyo buong araw!

By MARAH RUIZ

 
Buong araw na aliw ang Sunday Grande ng GMA ngayong July 12! Para sa mga comic book lovers and back-to-back movies na hatid ng Kapuso Movie Festival
 
Dahil huling araw na ng San Diego Comic-Con 2015, tunghayan ang Paul, 10:45 am. Dalawang magkaibigan ang nag-road trip para makarating sa Comic-Con. Ngunit lilihis ang kanilang biyahe nang matagpuan nila ang alien na si Paul. 
 
Susundan ito ng Hellboy II: The Golden Army, 12:15 pm. Nagpapatuloy ang pakikipagsapalaran ni Hellboy! Ngayon naman, kailangan niyang harapin si Prince Nuada na nais kunin ang mundo mula sa mga tao. 
 
Pagpatak ng 2:00 pm, maki-indak at maki-kanta kasama ang mga bituin ng Sunday All Stars
 
Pagkatapos nito, limpak-limpak namang papremyo ang hatid ni Kuya Wil sa Wowowin, 3:30 pm. 
 
Simula na rin ng One Piece Specials, 4:30 pm. Una nang mapapanood dito ang Luffy's Detective Story, kung saan kailangang ungkatin ni Luffy ang katotohanan upang matulungan ang isang aktor na minsan nang naging isang lieutenant
sa Navy. 
 
Bukod dito, simula na rin ng pinakaaabangang Alamat, 5:00 pm. Tampok dito ang beteranong aktor na si Pen Medina na pahihiramin ang kanyang boses sa episode na Alamat ng Bayabas.
 
Kaya tutok na sa Sunday Grande, ngayong Linggo, July 12 sa GMA!