Article Inside Page
Showbiz News
Nainis din ba kayo kay Beth na ginampanan ni Louise sa 'Pari 'Koy?'
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Hindi inasahan ni Kapuso actress Louise delos Reyes na magiging dark ang kanyang guest role na Beth sa primetime series na
Pari 'Koy.
?
"Noong in-offer sa akin na gawin ko 'yung role na Beth, alam ko na guest lang siya. So I thought na ganun lang siya, isang teenager na na-lost. 'Yun lang kasi ang character description na nabigay nila sa akin. Nung basahin ko na 'yung script, 'What?' Kahit ako sa sarili ko hindi ko 'yan kayang gawin. Hindi ko ma-imagine na isang tao ay kayang gawin 'yun," kuwento niya in an exclusive interview with GMANetwork.com
Malaki naman ang pasasalamat ng young star sa mga tumulong sa kanya para maging effective ang kanyang portrayal.
"With guidance from my acting coach na rin na si Kuya Yani [Yuzon], sina Direk Maryo, si Kuya Dong, tinutulungan din ako. And that time kasi, nag-workshop din ako under Direk Laurice. Ang galing lang na nagamit ko lahat ng natutunan ko from them at nagawa ko naman nang maayos ang role na Beth."
Aniya, natutuwa siyang marami ang nainis kay Beth. "I am happy dahil naging ganun ang reception nila kasi ibig sabihin, naging effective ka sa trabaho mo. Ibig sabihin nata-transmit mo sa kanila 'yung emotion na dapat nararamdaman nila."
After
Pari 'Koy, muling mapapanood si Louise sa
My Faithful Husband bilang si Mylene, ang kapatid ni Melanie, na gagampanan naman ni
FHM's sexiest Jennylyn Mercado.