Alden Richards at Julia Montes, nakisaya sa cast party ng 'Five Break-ups and a Romance'

GMA Logo Five Break-ups and a Romance cast and team
Courtesy: GMA Pictures and GMA Network

Photo Inside Page


Photos

Five Break-ups and a Romance cast and team



Nakatakdang ipalabas ngayong 2023 ang kauna-unahang pelikula ng Asia's Multimedia Star at Kapuso actor na si Alden Richards at ng Kapamilya actress na si Julia Montes.

Ito ang Five Break-ups and a Romance, ang film na idinirek ng kilalang film director na si Irene Villamor.

Kamakailan lang, natapos na ang kanilang shooting na umabot daw ng halos labing tatlong araw.

Sa report na pinalabas kagabi sa 24 Oras, mapapanood na ibinahagi ng dalawang aktor ang kanilang naramdaman nang malaman na tapos na ang kanilang shooting para sa proyektong ipapalabas sa big screen.

Pahayag ni Alden, “Masarap ka-work si [Julia Montes] kasi walang pretentions… Sobrang naging comfortable talaga ako sa set na 'to. I think that's what made this whole collaboration beautiful.”

Sa mismong huling araw ng kanilang shoot, naging emosyonal si Julia dahil tila napalapit na siya sa kanyang mga naging katrabaho para sa pelikula.

Ayon sa aktres, “Ang hirap niya i-goodbye, hindi lang 'yung character kundi 'yung journey na magkakasama as a group. 'Yung working relationship… lahat, hindi matatawaran, doon ako nase-senti.”

Matapos ang kanilang huling shoot, dumiretso na sa party ng Five Break-ups and a Romance sina Alden at Julia.

Silipin dito ang ilang larawan mula sa katatapos lang na special event.


Cast party 
Lead stars with Atty. Annette Gozon-Valdes
Group 
Five Break-ups and a Romance

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3