Kung akala ninyong for fun lang ang ginawang videos nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, nagkakamali kayo. Bukod sa nakakaaliw ang kanilang #DontJudgeChallenge trending videos, mayroon ding importanteng mensahe na gustong iparating ang Kapuso teen stars.
Ayon sa interview ng 24 Oras kina Miguel at Bianca, ginawa raw nila ang nasabing videos para ipalaganap ang aral na huwag husgaan ang isang tao base sa kanyang itsura.
"Napanood namin 'yung compilation [ng #DontJudgeChallenge videos] and we enjoyed watching them. Naisip namin na baka puwede rin kaming gumawa," pahayag ni Bianca.