Paolo Contis, Joross Gamboa, Faye Lorenzo at the premiere night of 'Ang Pangarap Kong Oskars'

Kasado na ang bagong pelikula ng Eat Bulaga host na si Paolo Contis na pinamagatang Ang Panagarap Kong Oskars kasama sina Joross Gamboa, Faye Lorenzo, at Kate Alejandrino.
Sa premiere night ng nasabing pelikula, excited na pinanood ng cast ang kanilang pinagpagurang pelikula kasama ang maraming press at ilan pang mga kaibigang artista sa showbiz.
Ang kuwento ng Ang Pangarap Kong Oskars ay tungkol sa magkaibigan na sina Bobby B (Paolo Contis), isang ambisyosong producer, at DMZ (Joross Gamboa) na isa namang weirdo na direktor. Ang kanilang pangarap na makatanggap ng “Oskar” award ang magdadala sa kanila sa isang maaksyon, at nakakakilabot na paggawa ng pelikula.
Silipin ang mga naging kaganapan sa naturang premiere night sa gallery na ito:



















