Goosebumps moments sa opening number ng 'It's Showtime' sa GTV

Ngayong July 1, nagkaroon ng historic moment sa Philippine noontime TV dahil sa pasabog na inihanda ng 'It's Showtime' sa GTV.
Tinutukan ng mga madlang Kapuso ang Kapamilya ang mga inihanda ng 'It's Showtime' sa unang araw nila sa GTV at buo ang suportang ipinakita ng GMA sa ABS-CBN matapos magsama-sama ang malalaking pangalan sa industriya para sa araw na ito.
Balikan ang mga naganap sa exciting na opening number ng It's Showtime hosts kasama ang kanilang mga Kapuso at Kapamilya guests.












