Article Inside Page
Showbiz News
Mukhang mahihirapan ang mga Straw Hat Pirates sa napili nilang misyon na ito!
By MARAH RUIZ

Makakapulot ang mga Straw Hat Pirates ng isang treasure chest na nagsasabing may isang sikretong matatagpuan sa pusod ng karagatan. Ang sikretong ito ay may kapangyarihang matupad ang kahit anong pangarap o hiling.
Tamang tama namang makakahanap sila ng isang malaking butas sa gitna ng karagatan! Gamit ang kanilang barrel submarine, bababa sina Nami, Sanji at Usopp sa butas para maghanap ng kayamanan. Bubulagain naman sila ng isang malaking pugita rito!
Samantala, mapapadpad sina Luffy at Zoro sa isang baryo na maladas atakihin ng mga higanteng lamang dagat. Dahil tinulungan sila ng mga mamamayan nito, nais ng dalawa na suklian ang kagandahang-loob na ipinakita nila sa pamamagitan ng pagsugpo sa mga halimaw na gumugulo sa baryo.
Mukhang mahihirapan ang mga Straw Hat Pirates sa napili nilang misyon na ito!
Abangan ang kanilang kahihinantnan sa One Piece: Luffy's Adventure at the Bottom of the Ocean ngayong Linggo, July 26, 4:30 PM, pagkatapos ng Wowowin, dito lang sa GMA.