Ricky Rivero, pumanaw na sa edad na 51

Pumanaw na ang dating aktor at direktor na si Ricky Rivero sa edad na 51.
Kinumpirma ito ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang Facebook post sa kanyang account.
"Good morning po inyong lahat maraming salamat po sa tumulong sa asawa ko na c Ricky ngayon po wala na po c Ricky S. Rivero namayapa na po," bahagi ng kanyang Facebook post.
"Salamat sa walang sawang tulong sa asawa ko."
May ngayong taon nang ma-stroke si Ricky matapos makaranas ng pagkahilo kaya isinugod siya sa Philippine Heart Center. Nauna na siyang na-stroke taong 2015 pero naka-recover ito.
Nakilala si Ricky nang maging bahagi siya ng That's Entertainment kasama sina Jovit Moya, at iba pang mga artista.
Rest in peace, Ricky.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MOST SHOCKING CELEBRITY DEATHS SA GALLERY NA ITO:









































