Pumanaw na ang former 'That's Entertainment' member na si Jimboy Salazar ngayong Biyernes, July 24.
By AL KENDRICK NOGUERA
Pumanaw na ang former That's Entertainment member na si Jimboy Salazar ngayong Biyernes, July 24. Kamakailan lang ay napabalitang buto't balat na raw ang dating aktor dahil sa sakit na pneumonia.
Walang detalyeng inilabas ang GMA News Online tungkol sa pagkamatay ng ex-boyfriend ng midget comedian na si Mahal. Samantala, abangan daw ang updates sa pagkamatay ni Jimboy ngayong Sabado, July 25, sa Startalk.