Bea Alonzo, itinuturing na 'perfect jewelry' ang kanyang classic diamond engagement ring

Sa exclusive interview ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ipinasilip ng Kapuso star na si Bea Alonzo ang kanyang pinakaiingatang engagement ring.
Ayon kay Nelson, tinawag ni Bea na 'perfect' ang classic diamond engagement ring na ibinigay ng kanyang fiancé na si Dominic Roque dahil kuhang-kuha nito ang kanyang gusto na simpleng disenyo.
Ikinuwento naman ni Bea na expected niya na na magpo-propose ang kanyang longtime boyfriend ngunit inakala niya na pagkatapos pa ito ng GMA Gala 2023.
Aniya, "To be honest medyo ine-expect ko na siya...
"Actually after the ball, after the GMA Gala talagang pupunta kami ng Singapore so parang may feeling ako na doon siya magpo-propose. So ayun yung pinaghahandaan ko..."
Nang tanungin naman ni Nelson ang Love Before Sunrise star kung kailan mangyayari ang kasal nila ni Dominic, ito ang kanyang naging sagot, "Definitely next year."
SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG CELEBRITY ENGAGEMENT RINGS SA GALLERY NA ITO:
























