Julia Barretto becomes Aga Muhlach's third leading lady from Barretto clan

Hindi naiwasan ng aktres na si Julia Barretto na biruin si Aga Muhlach tungkol sa pagtatambal nila sa pelikulang Forgetting Canseco.
Sa story conference ng pelikulang gagawin nila sa ilalim ng Viva Films, nabanggit ng mga imbitadong press na si Julia ang ikatlong actress mula sa angkan ng mga Barretto na magiging leading lady ng award-winning actor.
Kaya naman hirit ng 26-year-old actress, “Bagay sa kanya yung sound sa TikTok na 'Oh no! Oh no! Oh no, no, no!' Not one, not two, but three!”
Bago si Julia, naging leading lady na ng 53-year-old actor ang tiyahin ng una na si Gretchen Barretto sa mga Miguelito, Batang Rebelde (1985) at Akin Ka... Magdusa Man Ako (1991). Gayundin, naging kapareha rin ni Aga ang isa pang tiyan ni Julia, si Claudine Barretto, sa mga pelikulang Kailangan Kita (2002) at Dubai (2005).
Ayon kay Aga, tila inasahan na niyang magkakatrabaho sila ng nakababatang Barretto.
“I remember in 2017, nagkita kami, I was promoting a movie. Sabi ko, 'Gagawa tayo ng pelikula,'” sabi ni Aga.
Ngayong dumating na ang pagkakataong ito, partikular daw na hiniling ni Aga na akma sa kani-kanilang mga edad ang gagampanan nilang mga karakter.
“Sabi ko, ganito ang istorya, I play my age, she plays her age. Of course, dapat hindi cringe or medyo off. Inaalis ko talaga yun. So ngayon, we're like actors, we go to Baguio, we film, we enjoy, we do the script and follow that,” paglalahad ng aktor.
Sa parte naman ni Julia, hindi siya makapaniwala na mabibigyan siya ng oportunidad na makatrabaho ang isa sa mga kilalang aktor sa industriya.
Aniya, “I don't know, is this real life. I'm deeply honored and grateful to be a part of this. I mean it when I said that I'm excited but I'm really nervous about what's going to come of this.”
Nabanggit din niya na sa sobrang excitement niya, ipinakita niya agad sa kanyang inang si Marjorie Barretto ang mga litrato nila mula sa kanilang look test.
Ani Julia, “Aagain, going back to the story, this has always been a dream of mine. Actually, noong look test, kinailangan ko pang magpa-send ng photo agad from the look test kasi sinend ko agad kina mom. Alam nilang dream project ko ito, so they're really excited and happy that this is happening. I'm really overwhelmed. I think I had a moment na… There's just really so many emotions na dala-dala ko ngayon. But nangingibabaw yung gratitude ko lang.”
Samantala, ayon sa direktor ng pelikula na si Denise O'Hara, sina Aga at Julia na raw talaga ang kanilang kinunsidera habang binubuo ang istorya ng Forgetting Canseco.
Sa katunayan, sinabi niya, “Kasi wala namang ibang leads na kayang gumawa ng ganitong konsepto except Aga Muhlach and Julia Barretto.”
Bagamat malaki ang agwat ng mga edad nina Aga at Julia, iniiwasan ng ni Direk Denise na ilarawan ito bilang May-December affair.
Paliwanag niya, “Hindi rin naman kasi doon nagpunta yung kuwento. Parang nandun na rin naman tayo sa point ng society natin ngayon na, di ba, we're normalizing all kinds of love. If you pay attention to 'ah, ito May-December affair' the more na nagiging normal. Kasi, normal relationships don't have to be labeled like that. So, isa sa visions namin dito is that we normalize all kinds of love because it's love.”
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PANG ON-SCREEN PAIRINGS NG MGA ARTISTA NA MALAKI ANG AGE GAP:
























