Ashley Ortega, grateful na si Khalil Ramos ang kanyang nakapareha sa Cinemalaya film na 'As If It's True'

Kasalukuyang napapanood ang pelikula nina Sparkle stars Khalil Ramos at Ashley Ortega na As If It's True sa Cinemalaya Film Festival ngayong Agosto.
Ito ang kauna-unahang pelikula ni Ashley sa Cinemalaya na aniya'y isang karanasan na hindi niya malilimutan.
“The whole experience is really nice and it's something na hindi ko makakalimutan kasi this is my first Cinemalaya movie and I've always wanted to do an indie film.
“I'm just really grateful dahil nabigyan ako ng opportunity tapos leading pa ako rito, so it's something memorable and a goal na I was able to achieve. And I'm just really proud kasi this year I got to do things na talagang part of my bucket list as an actor,” pagbabahagi niya sa naganap na press conference ng As If It's True kamakailan.
Lubos na nagpapasalamat din ang dating Hearts On Ice lead star na si Khalil ang kanyang nakapareha sa nasabing pelikula dahil sa husay nito sa pag-arte at sa pagiging propesyonal na aktor.
Samantala, ang As If It's True ay ang ikalawang pelikula ni Khalil sa Cinemalaya ngunit ito ang unang pagkakataon na bumida siya sa isang lead role.
TINGNAN ANG HIGHLIGHTS SA NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NINA KHALIL RAMOS AT ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO.









