Eugene Domingo, tinawag na 'star' ang anak ni Pokwang na si Malia

Itinuturing ni Eugene Domingo na isang star ang kaniyang inaanak na si Malia.
Si Malia ay ang bunsong anak ni Pokwang.
Sa kanilang pictorial ng pelikulang Becky at Badette ay isinama raw ni Pokwang si Malia sa set. Ikinatuwa naman ito ni Ninang Eugene ni Malia.
Ani Eugene sa kaniyang post, "Our sunshine! The set is always livelier and lovelier whenever you are around my dearest inaanak, Malia! 🤩"
Dugtong pa ni Eugene, "Thanks sis @itspokwang27 for bringing my inaanak to our shoot! She is our star ⭐️ ☀️"
Bukod sa pictorial ay naka-bonding din ni Eugene sina Pokwang at Malia sa pool at sa isang dinner kung saan kasama rin ang asawa niyang Italian film critic na si Danilo Bottoni.
Narito ang ilan sa mga cute na moments ni Malia kasama ang kaniyang Ninang Eugene.





