Jaclyn Jose, pinahanga ang Cinemalaya audience sa 'Call Me Alma'

GMA Logo Jaclyn Jose

Photo Inside Page


Photos

Jaclyn Jose



Umani ng papuri ang batikang actress na Jaclyn Jose dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang 'Call Me Alma,' na nag-premiere sa Cinemalaya sa Philippine International Convention Center (PICC) kagabi, August 10.

Sa naturang pelikula, gumanap si Jaclyn bilang si Shiela, isang inang nakararanas ng early onset ng Alzheimer's Disease. Anak niya rito ang bidang si Alma na na ginampanan ng sexy actress na si Azi Acosta.

Sa maiksing panayam kay Jaclyn, nabanggit niya na hindi na niya kinailangang pag-isipan pa kung tatanggapin ang proyektong ito sa ilalim ng Viva Entertainment.

“Maganda kasi ang kuwento. Siyempre, Ricky Lee ang sumulat at si Direk Mac Alejandre, so ang ganda ng kinalabasan. Kahit na may sexy scenes, hindi ka maaalibadbaran.”

TINGNAN ANG ILANG MGA NATATANGING PAGGANAP NG CANNES BEST ACTRESS NA SI JACLYN JOSE:

Isa sa mga eksenang tumatak sa mga manonood ang naging sagutan ng mag-inang sina Shiela at Alma, na tila katuparan naman ng pangarap ng baguhang aktres na si Azi.

Sa katunayan, habang kinukuhanan ng group photo ang cast, sinabi ni Jaclyn kay Azi, “Ang galing mo,” na ikinakilig naman ng dalagang aktres.

“Siyempre po, galing na kay Ms. Jaclyn. Dati ko pa po sinasabi sa sarili ko na kapag nag-artista ako, gusto ko po siyang makaeksena,” sabi ni Azi na hangang-hanga sa batikang aktres.

Samantala, narito ang ilang mga larawan na kuha mula sa premiere ng 'Call Me Alma':


Jaclyn Jose 
Azi Acosta
Ricky Lee
Mac Alejandre
'Call Me Alma'
Premiere Night

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit