Higit sa magandang epekto ng programa sa individual careers nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro, masaya ang dalawang Kapuso actress dahil naka-relate sila sa maraming tao sa pamamagitan nito.
Sambit ni Rhian sa 24 Oras, “Ito ‘yung show kasi na talagang sobrang ang daming nag-connect, ang daming naka-relate. Pati kami naka-relate kami sa kanila.”
“Sobrang significant nito sa amin kasi bukod sa first time naming gumanap ng ganitong role, first din sa Philippine TV na nagkaroon ng ganitong theme na soap,” dagdag din ni Glaiza.
Mapapanood na kaya ang inaabangang kissing scene ng dalawa sa finale mamaya?
Hindi man nila diretsahang sinagot ito ay sinigurado naman nilang masisiyahan ang mga manonood sa pagtatapos ng programa.
“Napakalaki talaga ng response at requests online na gusto talaga ng lahat ng isang happy ending,” ani Rhian.
“Masaya ang magiging ending ng The Rich Man’s Daughter. Hindi sila maho-hopia,” pangako naman ni Glaiza.