Remembering Mike Enriquez: Mel Tiangco, Vicky Morales, at iba pang GMA News, DBZZ personalities emosyonal na inalala ang batikang brodkaster

GMA Logo GMA Integrated News anchors mourn Mike Enriquez's death

Photo Inside Page


Photos

GMA Integrated News anchors mourn Mike Enriquez's death



Nagluluksa ang buong GMA Network at mga mamamahayag sa buong Pilipinas sa pagpanaw ng batikang broadcast journalist na si Mike Enriquez, kahapon, August 29. Siya ay 71 na taon.

Malungkot na ibinalita ng matagal nang kasama ni Mike sa industriya na si Mel Tiangco ang kanyang pagpanaw sa '24 Oras' kagabi, August 29.

Habang binabasa ni Tita Mel ang malungkot na balita, hindi niya maiwasang maluha. Sa dulo ng programa, binigyang pugay ni Mel ang naging buhay ni Mike na halos dalawang dekada niyang nakasama sa flagship news program ng GMA.

"Alam niyo gusto kong palakpakan si Mike. Ang galing talaga," saad ni Mel bago matapos ang programa.

Hindi rin naiwasan ng kasama nina Mel at Mike sa 24 Oras na si Vicky Morales na maging emosyonal habang binabasa ang slogan ng GMA Integrated News na "Para sa mas malaking misyon, para sa mas malawak na paglilingkod sa bayad."

Mahigit limang dekada sa industriya si Mike at nagsimula ang kanyang karera bilang kapuso nang lumipat siya sa GMA Network noong 1995.

Bukod sa dalawang pillar ng GMA Integrated News, nagbigay-pugay rin ang iba pang kasamahan ni Mike sa kani-kanilang mga programa.


Mel Tiangco
Palakpak
Vicky Morales
Saksi
Arnold Clavio
Partners
Ama
Unang Hirit
Joel Reyes-Zobel at Rowena Salvacion
Maki Pulido at Atom Araullo

Around GMA

Around GMA

Julia Montes surprises Alden Richards at his fan meet
Pop Mart opens cafe-themed pop-up store in QC
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'