Article Inside Page
Showbiz News
Aminado si Tom na nagkaroon siya ng bahagyang pag-aatubili bago niya tinanggap ang role na Sergio Santibañez sa 'Marimar.'
By MARAH RUIZ

Nang lumabas ang balitang si Kapuso hunk Tom Rodriguez ang gaganap bilang Sergio Santibañez sa 2015 remake ng worldwide hit Mexicanovela na
Marimar, madalas daw siyang tinatanong tungkol sa mga hamon ng pagganap sa isang role na nagawa na ng iba pang sikat na mga artista.
"I think that's the most challenging part of it! All the expectations that come with it, feeling ko puwede siyang ma-perceive as a positive challenge to yourself," paliwanag ni Tom.
Aminado si Tom na nagkaroon siya ng bahagyang pag-aatubili bago niya tanggapin ang role.
"Ako mismo takot to take it on, like when I did My Husband's Lover. Dito din, I had the same hesitation, the same doubts sa sarili ko. Can I even do that na nagawa na dati?," ayon dito.
Ngunit pinahalagahan ni Tom ang pagsubok sa mga bagay na nasa labas ng kanyang comfort zone para matuto.
"If I don't try, I won't learn. I'm very young in this industry. I have so far ahead to go. Ang dami ko pang kailangang kaining bigas, ika nga! Ang dami ko pang kailangang tahakin. I have so much growing and learning to do and I won't get to do any of that if I don't try," pagpapatuloy nito.
Ngayon siya na ang baong Sergio, ibinahagi din niya na updated na rin ang bersyong ito ng Marimar. Naroon pa rin ang kuwentong minsan nang kinahumalingan ng lahat, ngunit dinala lang nila ito sa mas modernong panahon.
"We all know the characters, we all know the material pero that was a '90s setting. Our sentiments, nag-iba na din ngayon na 2015 from 1994, to now, 2015. I think thats a huge gap," panimula ni Tom.
Ayon sa kanya, pareho man ang pinag-ugatan nito, may malaking pagkakaiba pa rin kapag inihambing ang dalawa.
"Kasi iba na 'yung Pilipina ngayon kaya siguro that's how the material din is being updated. Mas relevant na siya, mas contemporary and I think that adds a different flavor to it," ani Tom.
Tunghayan ang pilot episode ng
Marimar, ngayong gabi pagkatapos ng
24 Oras.