Barbie Forteza, pinasalamatan si David Licauco sa 'Maging Sino Ka Man' mediacon

Kakaibang Barbie Forteza at David Licauco ang nakita ng entertainment press sa media conference ng bago nilang serye na 'Maging Sino Ka Man,' kung saan ipinalabas ang special AVP at music video nito sa unang pagkakataon.
Kung sa 'Maria Clara at Ibarra' ay maginoo si David, maangas ang dating ang aktor sa action-drama series, kung saan gaganap siya bilang Carding.
Mula sa pagsusuot ng baro't saya, nagbihis-lalaki naman si Barbie na gaganap bilang Dino, ang disguise ng main character niyang si Monique.
Marami naman ang nakapansin na teary-eyed siya nang magsimula ang media conference. Ano nga ba ang nasa isip ng aktres noong mga panahong iyon?
Sagot ni Barbie, "Siguro hindi ko ma-contain 'yung excitement ko kasi first time ko lang po mapanood both 'yung MTV and 'yung AVP and I'm just really excited dahil ang ganda po ng kinalabasan ng lahat ng ginawa namin, 'yung pinaghirapan namin. Sobrang ganda ng outcome so sobrang overwhelmed po ako siguro and sobrang excited na finally mapalabas na ang TV version ng 'Maging Sino Ka Man.'"
Litaw na litaw ang malakas na chemistry ng BarDa sa AVP pa lang at maging ang co-stars nila ay saksi rito kaya binansagan silang susunod na Nora Aunor at Tirso Cruz III, ayon sa batikang action star na si ER Ejercito.
Bahagi ni Barbie, hindi magiging posible ang kanilang successful partnership ni David kung hindi dahil sa huli.
Aniya, "I would also like to share the credit of the success of BarDa kay David kasi siya naman po talaga 'yung nag-umpisang magsimula ng Twitter serye sa 'Maria Clara at Ibarra,' siya naman po talaga ang nag-initiate ng Twitter serye na 'yon, naki-ride lang ako. 'Tapos, nagustuhan ng mga fans kaya tumaas ang engagements namin sa Twitter."
Paliwanag pa ng Kapuso Primetime Princess, "I'd like to share the success, of course, with David dahil grabe din naman talaga 'yung hardwork and 'yung dedication niya to make us work, to make this partnership work na parehas kaming nagbe-benefit and parehas kaming nag-gain ng friends sa isa't isa throughout the process of working together."
Masaya rin si Barbie na nakahanap siya ng kaibigan kay David. Patuloy niya, "And sa industriyang ito, napakalaking bagay kung makahanap ka ng kaibigan sa isang katrabahong matagal mong makakasama kasi it's a cruel world. It's not easy being in our shoes so ang saya lang kasi we got each others' backs."
Tingnan ang ilang larawan mula sa media conference ng 'Maging Sino Ka Man.'














