Star-studded 'Love Before Sunrise' cinema screening and media conference

Binigyan ng exclusive sneak peek ng upcoming romance drama series na 'Love Before Sunrise' ang ilang lucky fans sa cinema screening nito sa SM Megamall kahapon, September 16.
Napanood dito ang unang episode ng serye, na pinagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office queen Bea Alonzo kasama sina Sid Lucero at Andrea Torres.
Present din dito ang ilang pang miyembro ng cast, na humarap din sa piling miyembro ng media para ibahagi ang ilang detalye ng kanilang show.
Ang 'Love Before Sunrise' ay kuwento ng maraming "what ifs" ng dalawang taong nagkaroon ng "right love at the wrong time."
Mula sa GMA Entertainment Group, ang serye ay pangalawang proyekto sa historic collaboration ng GMA Network at Viu, ang leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.
Silipin ang mga kaganapan sa cinema screening at media conference ng 'Love Before Sunrise'dito:



















