What's Hot

#After20years: Angelu de Leon at Bobby Andrews, inamin na ang dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 11:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Umasa ba si Angelu de Leon na magiging sila ni Bobby Andrews?
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
"Oo," 'yan ang sagot ni Angelu de Leon kay Arnold Clavio nang tanungin siya kung umasa siya na magiging sila ni Bobby Andrews noon.
 
Maraming nahalungkat ang Tonight With Arnold Clavio sa cast ng sikat na teen-oriented show noong '90s na TGIS at isa sa mga ito ay ang paglilinaw kung naging real-life couple nga ba sina Angelu at Bobby.
 
READ: Ano ang pagkakapareho ng Bobby-Angelu at AlDub love team?
 
Sumagot naman agad ang dalawa na hindi raw talaga naging sila. "Hindi [natuloy] kasi siguro dahil nga ang bata pa ni Angelu noon saka sobrang strict ng Mommy niya noong mga panahon na 'yon," saad ni Bobby.
 
Dagdag pa ni Angelu, "Siguro alam mo, lagi namin 'yan sinasabi, we're more than friends but less of a lover."
 
Ikinuwento ng dalawa ang dahilan kung bakit naudlot ang kanilang pag-iibigan. Naaalala pa nila na nanood sila ng concert nang silang dalawa lang.
 
"[Pagkatapos ng concert], ihahatid na niya ako sa bahay biglang may tumawag sa kanya, 'yung girlfriend niya noon," bahagi ni Angelu.
 
Ayon kay Angelu, kaka-break niya lang sa kanyang boyfriend noon na ayaw na niyang pangalanan. "Naghiwalay na nga kami noon kaya nga kami nanood ng concert kasi nga [ang] akala ko [ay] liligawan na ako ni Bob," saad niya.
 
Doon na raw nagtapos ang kanilang love story. 
 
"Nagkatuluyan din kami. Mag-asawa kami [ngayon] sa Buena Familia," biro ni Bobby.