Kaya naman ang Dabarkads darling na si Maine Mendoza, todo ang pasasalamat sa buong AlDub Nation sa mainit nilang suporta sa kanila ni Alden Richards.
At bilang thank you sa lahat ng kanilang taga-suporta, nag-upload si Maine ng video sa Twitter kung saan ipinakita niya ang first Dubsmash video ng kaniyang nephew na si Juan Mateo or Baby Matti. Ito raw ang kanyang paraan para i-celebrate ang success ng kalye-serye.
Nag-post naman ang mommy ni Baby Matti at kapatid ni Yaya Dub na si Nicolette Mendoza-Catalan ng behind-the-scenes photo ng paggawa sa naturang Dubsmash video.
“Bts. Pinagtripan si Matti ng mga titos at titas! Fantastic beybeh ka anak! #juanmateo”