Paul Salas, muling mapapanood sa 'Shake, Rattle & Roll'

Kabilang ang Sparkle stars na sina Paul Salas, Elle Villanueva, Angel Guardia, Dustin Yu, at Bryce Eusebio sa inaabangang pagbabalik ng horror movie series na 'Shake, Rattle & Roll.'
Ang limang young actors ay kasama sa mga magiging bahagi ng three-part movie na may titulong 'Shake, Rattle & Roll Extreme' kahapon, September 27.
Sa ginanap na media conference, inakala ng marami sa press na ito ang unang pagkakataon ni Paul na magiging bahagi ng Shake, Rattle & Roll, katulad nina Elle, Angel, Dustin, at Bryce.
Kaya naman nilinaw niya na minsan na siyang naging bahagi siya ng kilalang movie series ng Regal Entertainment.
“Fun fact, actually I was six years old noong unang nagbigay ng tiwala ang Regal sa akin. Isa po yung sa mga talagang nasa puso ko dahil nanalo po akong Best Child Actor noong time na yun sa 'Aquarium' episode, so thank you.”
Ang naturang istorya ay bahagi ng 'Shake, Rattle & Roll 2K5,' na ipinalabas sa Metro Manila Film Festival noong 2005.
“Bale, 19th anniversary ko na pala rito. It's an honor na may magawa tayong istorya. At sa pagbabalik ng 'Shake, Rattle & Roll, 'mas extreme at marami kaming ibibigay pa sa inyong panibago para sa taste ng ating mga ka-Regal Babies.”
Ang 'Shake, Rattle & Roll Extreme' ay binubuo ng tatlong istorya, ang “Glitch,” “Rage,” at “Mukbang.” Ito ay ididirehe nina Richard Somes, Joey de Guzman, at Jerrold Tarog.
Bukod kina Paul, Elle, Angel, Dustin, at Bryce, kasama rin sa pelikula ang 'Magandang Dilag' actor na si Rob Gomez.
Bibida rin dito sina Iza Calzado, Jane de Leon, Paolo Gumabao, RK Bagatsing, Jane Oineza, Miggs Cuaderno, Donna Cariaga, AC Bonifacio, at Sarah Edwards. Mapapanood din dito ang content creators na sina Esnyr Ranollo at Ninong Ry, kasama ang director niya sa kanyang YouTube channel na si Ian Ginema.
Tingnan dito ng Kapuso stars sa ginanap na cast reveal:





