Celebrities na naupo na rin sa director's chair

Sanay na ang celebrities na gumanap ng iba't ibang roles sa harap ng kamera, mapa-TV man o pelikula. Ngunit ang pagkakaroon ng iba-ibang roles ay hindi lang nangyayari sa harap ng kamera dahil madalas ay nangyayari rin ito sa likod ng kamera. Isa sa roles na ito ay ang pagiging isang direktor.
May ilan na nabibigyan ng pagkakataong magdirek ng isang eksena o isang episode sa teledrama. Habang ang iba naman ang full time sa pagiging direktor ng isang buong serye o di kaya ay pelikula, concert, o play. Tingnan ang ilan sa celebrities na umupo na rin sa director's chair sa gallery na ito:










