Article Inside Page
Showbiz News
From manly to tranny?
By MICHELLE CALIGAN
Malaking bahagi na ng theater career ni Jerald Napoles ang gay roles, kaya nang pasukin niya ang mundo ng showbiz, tila napaghandaan na niya ito. Kasalukuyan siyang gumaganap bilang ang bading na makeup artist na si Mars sa primetime series na
My Faithful Husband.
"Actually, hindi naman siya bago kasi when I did 'Care Divas' for PETA, mas beki 'yun kasi tranny talaga ang role ko doon," kuwento niya sa GMANetwork.com.
Dagdag pa niya, "Dito kasi parang pa-tranny pa lang. Doon kasi as in pa-girl na talaga ang role ko. Long hair, shaved, naka-bra at panty. So hindi na bago. Kumbaga na-train ko na ang sarili ko."
Bukod sa naturang teleserye, napanood din ang aktor sa mga pelikulang 'English Only, Please' at 'The Janitor' na pinagbidahan ng kanyang My Faithful Husband co-stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Pagdating naman sa teatro, marami ang bumilib sa kanyang role bilang Tolits sa 'Rak of Aegis.'
Nahirapan kaya siyang magpalipat-lipat ng acting platform?
"Hindi ko masabing mahirap, hindi ko masabing madali. Binabawasan lang namin 'yung laki ng atake namin sa role kasi larger than life sa theater. Pero ang number one common denominator kasi 'yung truth. You play for truth as an actor, you have to be truthful. So pareho lang. For example, kung bading ang role ko, kailangan walang bahid na Jerald na lalaki na sira ulo, ganun. Girl ako dito."