Ben&Ben's Pat Lasaten shares story about 'Courage'

GMA Logo Pat Lasaten

Photo Inside Page


Photos

Pat Lasaten



Patuloy na nagsisilbing inspirasyon ang OPM band na Ben&Ben sa maraming tao sa pamamagitan ng kanilang mga awitin.

Noong nakaraang buwan ng Setyembre, ibinahagi nina Paolo at Miguel Benjamin ang kanilang bagong kanta na pinamagatang “Courage.”

Marami ang labis na naka-relate sa mensahe ng kanta kaya naman talagang pumatok ito sa netizens at pati na rin sa kanilang mga tagahanga.

Ngunit bukod sa kanila, isa sa members ng indie folk pop band ang naka-relate rin sa bago nilang kanta.

Siya si Patricia “Pat” Lasaten ang keyboardist ng Ben&Ben.

Sa latest post ni Pat sa kanyang TikTok account, ibinahagi niya ang kanyang real-life experience at story na related sa kanta nila na “Courage.”

Si Pat ay engaged na sa kanyang partner na si Agnes Reoma, ang bassist naman ng naturang OPM band.

Ayon sa caption ni Pat sa kanyang post, “What a difference 9 years could make. My parents aren't exactly the most supportive but dahil parehas namin tinatrabaho yung pagtanggap nila, things are definitely much better than when I first came out.”

Dagdag pa niya, “I'm lucky and I'm glad I choose to stand for myself, for my relationship, and for my family. Di ko talaga aakalaing mangyayari 'to samin.”

Ang coming out experience nila ni Agnes ang isa sa mga maituturing ni Pat na real-life story tungkol sa “Courage.”

Alamin ang kanilang inspiring story sa gallery na ito.


College
Future
Best friends
Bandmates
Confession
Together
Proposal
Journey
Pat's family
Agnes's family
Lessons

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays