Witty and clever costumes at the Sparkle Spell 2023

Kung may nanakot at nagpa-cute sa kanilang mga inirampang costume, mayroon ding nagdala ng aliw at saya sa mga manonood dahil sa kanilang kakaibang konsepto ng halloween costume sa ginanap na Sparkle Spell 2023.
Ginanap ang nasabing event kagabi, Linggo, October 22, sa Bonifacio Global City na dinaluhan ng maraming Sparkle at Kapuso stars maging ang ilang mga kilalang social media content creators.
Kung out of the box spooky costumes ang pag-uusapan, sila ang talagang aagawa ng inyong pansin. Narito ang ilan sa mga nakatutuwang costumes ng mga celebrity sa Sparkle Spell ngayon taon.









