Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?

Sumabak agad sa maiinit na eksena sa kanilang first taping day ang cast ng inaabangang mystery revenge drama sa GMA Afternoon Prime na Makiling.
Present dito ang mga bida ng serye, ang Kapuso real-life couple na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na aminadong na-challenge sa kanilang mga bagong karakter.
Kasama rin sa first taping day ang Kapuso bida-kontrabida na si Thea Tolentino, mga batikang aktor na sina Soliman Cruz, Richard Quan, Manny Castañeda, Bernadette Alison, Lui Manansala, actor-comedian na si Pekto Nacua at social media influencer na si Baninay.
Unang araw pa lang, mayroon nang nagbugbugan,nagsampalan, nag-topless, nag-bikini, at nag-kissing scene.
Narito ang pasilip sa maiinit na kaganapan sa unang araw ng taping ng Makiling sa gallery na ito:






