Beauty Gonzalez's remarkable roles in GMA Network

Magkakasunod na notable roles ang ginampanan ni Beauty Gonzalez simula nang siya ay maging Kapuso noong June 2021.
Simula sa 'Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette,' 'I Can See You: AlterNate,' at sa 'The Fake Life' ay tinutukan na ang husay ni Beauty sa pagganap sa iba't ibang karakter sa Kapuso Network. Mapa-drama, comedy, o action man ang genre, hindi nagpahuli si Beauty sa pagpapatunay na isa siyang versatile actress.
Balikan ang kaniyang mga tinutukang roles sa GMA Network at ang kaniyang bagong aabangan na role sa GMA Afternoon Prime na 'Stolen Life' ngayong November 2023.













