What's Hot

Ruru Madrid, die hard fan ni Justin Bieber

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2020 7:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News



Hinding-hindi raw makakalimutan ni Ruru ang pinagdaanan ni Bieber noong hindi pa siya sikat.

By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by MICHELLE CALIGAN

 

Worth it

A photo posted by Ruru Madrid (@rurumadrid8) on

 
"Sobrang idol ko siya kahit na maraming nagsasabi sa 'kin na, bakit mo idol 'yan? Ipinaglalaban ko talaga as in nagagalit ako," natatawang sambit ni Ruru Madrid nang aminin niya sa GMANetwork.com na fan siya ng Hollywood artist na si Justin Bieber.
 
Kuwento ni Ruru, hindi raw siya nagpapaapekto sa negative comments na nakukuha ng kanyang iniidolo. Ito raw ay dahil si Bieber ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya sa pagpasok niya sa showbiz.
 
"Ang daming bad feedback patungkol sa kanya pero noong pinanood ko po 'yung Believe movie, as in na-inspire niya po talaga ako," pahayag niya.
 
Hinding-hindi raw makakalimutan ni Ruru ang pinagdaanan ni Bieber noong hindi pa siya sikat. "As in noong bata pa lang niya [ay] sobrang talented niya. Tumutugtog na siya sa kalye ang liit-liit niya tapos ang laki ng gitara niya pero nakakapagpasaya na siya ng maraming tao."
 
Inamin din ng The Half Sisters star na si Bieber ang kanyang inspirasyon kaya siya nag-aral kumanta. "Kaya nga nag-try rin po ako kumanta kasi dahil kay Justin Bieber," pagtatapos niya.