Bryce Eusebio, mapapanood sa 'Shake, Rattle, & Roll Extreme'

Tampok ang Kapuso actor na si Bryce Eusebio sa isa sa mga istorya ng 'Shake, Rattle, & Roll Extreme.'
Kabilang si Bryce sa istoryang "Rage" na pinagbibidahan nina Jane de Leon, Paolo Gumabao, at Rob Gomez.
Iikot ang istorya ng magkakaibigan na nanonood ng meteor shower. Lingid sa kaalaman nila, ang mga meteor na kanilang pinapanood ang magpapalaganap ng isang outbreak.
Bukod sa kanila, kasama rin sa pelikula sina Sarah Edwards, Dustin Yu, at Mika Reins.
Balikan ang pagsuporta ng ilang Kapuso stars kay Bryce sa premiere night ng 'Shake, Rattle, & Roll Extreme' sa mga larawang ito.




